MANILA, Philippines – Umakyat na sa 561 indibidwal ang inilikas sa apat na barangay sa Quezon City dahil sa banta ng pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan dala ng Habagat.
Ayon sa Quezon City Government nitong umaga ng Sabado, Agosto 29, umakyat na sa 561 indibidwal o 171 pamilya ang dinala sa anim na evacuation center sa apat na barangay sa lungsod.
Kabilang sa mga apektado ay ang Barangay Sta. Cruz, Balingasa, Bagong Silangan at Roxas.
Ang mga lugar na ito ang kilala bilang flood prone areas sa tuwing malalakas ang pag-ulan. RNT/JGC