Home NATIONWIDE DFA naghihintay ng kumpirmasyon sa nawawalang Pinoy sa Nepal flash flood

DFA naghihintay ng kumpirmasyon sa nawawalang Pinoy sa Nepal flash flood

3
0

MANILA, Philippines – NAGHIHINTAY ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kumpirmasyon mula sa Nepali authorities ukol sa napaulat na nawawalang Filipino national dulot ng pagguho ng glacier sa Himalayas na humantong sa higanteng flash flood sa Nepal.

Sinabi ni DFA spokesperson Analyn Ratonel na ang Philippine Embassy sa New Delhi at Philippine Honorary Consulate General sa Kathmandu ay nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad at handang tulungan ang mga filipinong apektado ng sakuna.

“They are awaiting confirmation from Nepali authorities on a Filipino national who is reported missing,” ang mensahe ni Ratonel sa mga mamamahayag.

Ang napaulat na nawawalang pinoy ay lumabas sa preliminary record na inilabas ng Nepal Tourism Board, kung saan nakalista ang isang pinoy na kabilang sa mga byahero na ‘unaccounted for’ sa mga apektadong lugar.

“DFA had forwarded to the concerned office information provided by Chiara Manalo about her brother, Filipino doctor Juan Carlos Manalo,” ayon kay Ratonel.

Hindi naman kinukumpirma ng DFA kung si Manalo ang nawawalang pinoy na nakalista sa preliminary record.

Umapela naman si Chiara Manalo ng tulong para mahanap ang kanyang kapatid, sinabi niya na ‘out of contact’ na siya mula nang tumama ang sakuna. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here