Home NATIONWIDE ARAL Program palalakasin pa ng DepEd

ARAL Program palalakasin pa ng DepEd

1
0

MANILA, Philippines – ITINUTULAK ngayon ng Department of Education (DepED) ang pagpapatibay sa implementasyon ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program makaraang makitaan ng malaking pag-unlad sa pagbasa ng mga mag-aaral noong School Year 2025-2026.

Base sa resulta ng isang independent evaluation ng Youth Impact, katuwang ng World Bank, dahil sa tulong ng ARAL ay bumaba ng 9% ang bilang ng mga mag-aaral na nahihirapang magbasa.

Sinasabing katumbas ito ng 1.37 milyong karagdagang bata na nakaahon mula sa pinakamababang antas ng pagbasa.

Sinasabi pa rin na tumaas din ng 4.8% ang antas ng kahusayan sa pagbasa ng mga estudyante para sa kanilang baitang, katumbas ng halos 730,000 karagdagang mga mag-aaral.

Ayon sa mga evaluator, nakita ang magandang resulta ng programa sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Sa kabilang dako, upang mapalakas pa ang naturang tagumpay, inirekumenda ng Youth Impact sa DepEd na palakasin pa ang ARAL Program sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat at nakatutok na oras sa klase para sa pagtuturo ng pagbasa.

Inirekumenda rin nito ang mas maayos na pagpapangkat sa mga mag-aaral base sa kanilang kakayahan sa pagbasa.

Iginiit din na higit na tutukan ang field monitoring sa paggabay at pagtuturo sa mga guro sa halip na sa mga gawaing pang-administratibo.

Para sa Youth Impact, mahalaga ang paggamit ng mga data system ng DepEd para agarang maiparating ang tulong sa mga eskuwelahan at lugar na nangangailangan.

“Through the countinued partnership of our teachers, tutors, and local communities, we are turning policy into real, measurable opportunities for every Filipino chold. We will continue to refine these interventionsto ensure early gains carry through to higher grade levels,” ayon sa Kalihim.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12028, itinayo ang ARAL program para tulungan ang mga mag-aaral na nangangailangan ng karagdagang suporta sa pagbasa at maging sa larangan ng matematika at agham.

Nakasaad sa programa, tumtuulong ang mga pampublikong guro, lisensiyadong para-teacher, mga estudyanteng kumukuha ng kursong pang-edukasyon at mga sinanay na tutor para sa remedial ng mga estudyante.

“When we passed the ARAL law, our goal was simple yet urgent: to ensure no learner is left behind simply because they needed more time or a different approach to master reading,” ang tinuran ng Kalihim. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here