Home NATIONWIDE Proteksyon sa malakas na ulan, pagbaha panalangin ng Obispo

Proteksyon sa malakas na ulan, pagbaha panalangin ng Obispo

1
0

MANILA, Philippines – Nanalangin si Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos para sa proteksyon at kapayapaan ng mga Pilipinong apektado ng malalakas na ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa dulot ng Habagat.

Hiniling ng Obispo sa kanyang panalangin na pahupain ang ulan, pigilan ang baha at patatagin ang lupa para maprotektahan ang mga pamilya , bata, manggagawa, rescuer at mga nasa panganib.

Ipinagdasal din niya ang mga nawalan ng tahanan at kabuhayan, mga nasa evacuation centers, na-stranded, at walang matuluyan.

Hiniling din niya na sana ay walang masawi at mabawasan ang pinsala, lalo na sa Luzon at ilang bahagi ng Mindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here