Home NATIONWIDE 28 residente inilikas sa Batangas sa epekto ng Habagat

28 residente inilikas sa Batangas sa epekto ng Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Inilikas ang ilang residente sa Nasugbu, Batangas na apektado ng pagtaas ng tubig bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng Habagat.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 28 residente ang kinailangang tulungan ng kanilang mga tauhan partikular mula sa Sitio Pulang Bubong, Barangay Calayo, Nasugbu, Batangas.

Inilikas ang mga pamilyang ito na nakatira malapit sa ilog at inihatid sa Calayo Elementary School na nagsisilbing evacuation center.

Nananatiling alerto ang PCG upang i-monitor ang mga lugar na may banta ng pagbaha at pagguho ng lupa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here