Home NATIONWIDE Parak inireklamo ng college student sa pagtutok ng baril, paggulpi at pag-aresto...

Parak inireklamo ng college student sa pagtutok ng baril, paggulpi at pag-aresto sa Cavite

1
0

MANILA, Philippines – Isang college student na lulan ng isang motorsiklo ang pormal na nagreklamo makaraang arestuhin ng isang pulis at pagkatapos ay tinutukan ng baril at pinagsusuntok nang dalhin sa presinto at pinagbintangang holdaper sa General Trias City, Cavite.

Kinilala ang mga biktima na si alyas Ace, 20, ng residente ng Gen Trias City, Cavite at alyas Andrei ng Mendez, Cavite, kapwa 1st year student.

Sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi ng Huwebes, Agosto 27, nang naganap ang insidente sa harapan ng PSBank sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy San Agustin, Trece Martires City, Cavite.

Una dito, bandang alas-3:00 ng Biyernes ng madaling araw nang bitbitin ng suspek si alyas Ace sa Gen Trias Component City Police Station dahil sa umano’y kasong robbery.

Agad na inimbestigahan ng Duty Investigator ang suspek, subalit lumalabas na walang robbery na naganap.

Sa imbestigasyon ni Pat. Rolyn D. Pagayon ng Gen Tri CCPS, bandang alas-11:30 Huwebes ng gabi ay magkaangkas ang mga biktima sa isang motorsiklong Mio Sporty na may plakang 4640KW nang hinabol siya ng nabanggit na pulis sakay ng kanyang Mitsubishi Mirage na may plakang NFK8547.

Sa paghahabol, nasagi ang likurang bahagi ng motorsiklo ng mga biktima dahilan upang matumba ang mga ito at tumakbo, subalit nang napansin ni alyas Ace na may baril ang suspek ay tumigil ito habang nakatakas ang kasama nito na si alyas Andrei.

Paglapit ng pulis kay alays Ace, itinutok ito sa kanyang ulo at mukha saka pinagsusuntok sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan saka puwersahang ipinasok sa kanyang sasakyan at dinala sa istasyon ng pulisya.

Napatunayan sa imbestigasyon na walang naganap na Robbery.

Sa inilabas ng press statement ng Police Regional Office 4A, sinibak na sa kanyang kasalukuyang assignment ang nasabing pulis at inilagay sa Provincial Adminsitration and Records Management Unit-Provincial Holding and Accounting Section (PARMU-PHAS) Cavite Police Provicial Office (CPPO) at isinailalim sa inquest proceedings sa tanggapan ng Trece Martires City Prosecution.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong Grave threat at physical injuries ang pulis na kasalukuyang nakatalaga sa General Trias Police Station at pansamantalang kimupiska ang issued firearms nito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here