MANILA, Philippines – Walang nanalo sa jackpot ng Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 draws noong Sabado, Agosto 29, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa Grand Lotto 6/55, ang panalong kombinasyon ay 23-35-49-41-52-20, na may jackpot prize na ₱162.41 milyon.
Samantala, sa Lotto 6/42 lumabas ang panalong kombinasyon na 22-39-06-14-42-04 at may jackpot na ₱19.02 milyon. RNT/MDS