Home NATIONWIDE Teodoro sa mga kabataang Pilipino: Protektahan yamang-dagat, karagatan ng Pilipinas

Teodoro sa mga kabataang Pilipino: Protektahan yamang-dagat, karagatan ng Pilipinas

1
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang mga Pilipino, lalo na ang kabataan, na protektahan ang mga yamang-dagat ng bansa sa lahat ng karagatan ng Pilipinas at hindi lamang sa West Philippine Sea.

Ayon kay Teodoro, habang lumalaki ang populasyon at kumakaunti ang likas na yaman sa mundo, may mga bansang maaaring palawakin ang kanilang inaangking teritoryo upang makakuha ng karagdagang resources.

“As populations expand in the world, as resources grow more scarce, as needs grow more scarce, there is a temptation to expand,” saad ni Teodoro.

“And that we cannot allow for your sake in the future,” aniya.

Sinabi niya ito sa paglulunsad ng Bantay Dagat Youth Ambassadors–West Philippine Sea Edition Caravan sa San Juan City.

Ayon sa kalihim, nasa 2.4 milyong square kilometers ang maritime domain ng Pilipinas. Mahalaga aniyang protektahan ang mga ito dahil maaaring pagmulan ng pagkain at enerhiya para sa mga susunod na henerasyon, kabilang ang Philippine Rise at mga katubigan sa bahagi ng Pacific Ocean ng bansa.

“You cannot stop the growth of human beings, the growth of society,” aniya. “But what you can stop is somebody else taking what should be yours to support yourself and giving it to somebody else.”

Binigyang-diin din niya na ang maritime awareness ay bahagi ng pagpapalakas ng pambansang katatagan at dapat ituro at isulong sa mga paaralan at komunidad.

“The dimension of how you approach the problem and how you engage the younger generation is multidimensional, because you need to be resilient on land as you do on sea,” saad niya.

Muling ipinahayag ni Teodoro ang suporta ng Pilipinas sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 Hague arbitral ruling, na nagsabing walang legal na batayan ang malawak na pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea. Hindi kinikilala ng China ang naturang ruling.

Samantala, sinabi ni Teodoro na pinapalakas ng Pilipinas ang kakayahan nitong protektahan ang maritime domain sa pamamagitan ng military modernization, infrastructure development at security partnerships.

Kabilang dito ang visiting forces agreements ng Pilipinas sa Canada at New Zealand na aniya ay nagkabisa na. Ang kasunduan naman sa France ay naghihintay ng pag-apruba ng Senado, habang nagsimula na ang pormal na negosasyon para sa isang proposed agreement sa United Kingdom. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here