Home ENTERTAINMENT Kathryn, tamad na mag-report sa taping?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kathryn, tamad na mag-report sa taping?August 30, 2026 08:3510 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Humupa na nga ba ang interes ni Kathryn Bernardo na magtrabaho?Ito ngayon ang malakas na bulung-bulungan–na dapat i-address mismo ng Kapamilya actress.Ayon sa tsikang kumakalat sa social media, kinakikitaan na daw ng katamaran si Kathryn na mag-report sa set ng kanyang seryeng Someone, Someday.Nag-ugat ang usap-usapan sa isang blind item, na hinihinalang ang aktres ang subject.Napapansin din kasi ng mga taong nakapaligid sa kanya na mas interesado pa si Kathryn na magbakasyon at bumiyahe nang bumiyahe.Kamakailan, dalawang linggo ding nasa Thailand ang aktres kasama ang rumored boyfriend niyang si Lucena City Mayor Mark Alcala.Two weeks ding absent ito sa munisipyo.Bale ba, not only does Kathryn seem to have lost interest in her showbiz work kundiiniimpluwensyahan pa daw niya ang kanyang mga katrabaho na magbakasyon din.Pero walang kumagat sa paanyaya niya.Ang tanong–why the sudden work attitude?Mas bet ba niyang laging kasama si Mark kesa magtrabaho? Ronnie Carrasco III