Home ENTERTAINMENT Angelline, binida ang 6 na scholars!

Angelline, binida ang 6 na scholars!

1
0

Manila, Philippines – Proud na ibinida ni Angeline Quinto sa publiko ang mga pinag-aral niya o binigyan ng scholarship.

Naging mas meaningful nga ang 15th anniversary concert ng singer-actress sa Big Dome.

Anim na estudyante ‘yon na bale adbokasiya niya.

Katuwang ni Angeline ang kanyang alma mater na Immaculada Concepcion College (ICC).

Tinawag ng singer ang naturang scholarship program na Sais Ang Pangarap mula sa lyrics ng awitin niyang Patuloy ang Pangarap.

“Six scholars, six dreams” ang ibig ding ipakahulugan nito.

Kamakailan nga’y nagtapos ng college si Angeline–bagay na nailihim niya sa kanyang asawang si Nonrev Daquina ang ginawang pag-aaral.

She finished B.S. in Business Administration.

Her announcement tungkol sa kanyang mga scholars ay itinaon niya sa kanyang matagumpay na AQuinse concert. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here