Home ENTERTAINMENT Pagbabalik ni Kris, namimiligrong madiskaril?

Pagbabalik ni Kris, namimiligrong madiskaril?

1
0

Manila, Philippines – Marami ang naka-miss sa pagbabalik sa limelight ng nag-iisang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Katunayan, kahit may kataklesahan ay marami ang nagmamahal sa kanya.

Naging malaking bahagi na rin kasi ng pop culture at ng entertainment reporting sa bansa ang mga programa niya noon.

Maging ang hosting niya ng game shows ay paldong-paldo sa viewers.

Kaya naman nang magpasilip ang isang popular streaming platform ng kanyang comeback bilang master chikka o chief head of insights and kontent analysis, marami ang na-excite at nagbunyi.

But along the way, naging struggle rin sa TV host-actress ang pagsalang sa taping ng nasabing promo plug.

Namaga ang kanyang legs at mga buto as a result of fatigue at ng maselan niyang auto-immune disease.

Naging usap-usapan naman ang isyung ito nang matalakay sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.

Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.

“Di ko bet ang mag-nega, pero parang di kakayanin ng kanyang health ang magkaroon ng regular show.”

“True. She’s suffering from auto-immune disease tapos iyong health niya kailangang imonitor from time to time.”

“Namimiligro ang comeback ng Multimedia Queen.”

“I think, iyong mga ganitong klaseng short term projects lang ang keri niya.”

“We love Kris but we are also worried about her health.”

“Kris is already 55. Iba iyong prime niya noong 30 or 40 siya.”

“The spirit is willing but the body is weak.”

“Nakaka-miss talaga ang talk shows nina Kris at Tito Boy.”

“She needs to evolve rin sa online platform.”

“Sana bumalik din siya sa paggawa ng horror movies.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here