ILOCOS SUR, Philippines – Kumuha ng DNA sample ang pulisya mula sa isang babae na nagsabing posibleng kanyang nawawalang anak ang mga skeletal remains na natagpuan sa isang liblib na lugar sa Suyo, Ilocos Sur.
Natagpuan ang mga buto malapit sa isang sapa sa Sitio Kinapian, Barangay Suyo Proper noong Agosto 27. Lumapit sa pulisya ang babae mula PeƱarrubia, Abra, dahil sinabi niyang kahawig ng mga damit na nakuha kasama ng mga labi ang mga damit na binili niya para sa kapatid ng kanyang anak na nawawala mula pa noong 2020.
Ayon kay Police Major Godofredo Ribuyaco, isinasagawa na ang DNA testing upang malaman kung konektado ang mga labi sa babae at matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.
Sinisiyasat din ng mga awtoridad kung posibleng tinangay ng malakas na baha ang biktima hanggang sa lugar, lalo na dahil mahigit 100 kilometro ang layo nito mula PeƱarrubia, Abra.
Nanawagan ang pulisya sa mga pamilyang may nawawalang kaanak na magsumite ng DNA samples at impormasyon na maaaring makatulong sa imbestigasyon. RNT/MDS