MANILA, Philippines — Ibinaba sa first alarm ang alert level sa Marikina River nitong Linggo ng umaga, Agosto 30, matapos bumaba sa 15 metro ang water level.
Bandang 9:22 a.m., bumaba sa 15.9 metro ang tubig mula sa 16.0 metro na naitala alas-9 ng umaga, kung kailan nasa second alarm pa ang ilog.
Patuloy na malakas na pag-ulan dahil sa Southwest Monsoon o Habagat ang dahilan ng pagtaas ng tubig sa Marikina River mula Sabado hanggang madaling-araw ng Linggo.
Sa alert system ng Marikina City, first alarm ang itinataas kapag umabot sa 15 metro ang tubig at pinaghahanda ang mga residente para sa posibleng paglikas. Second alarm naman sa 16 metro, na nangangahulugan ng preemptive evacuation, habang third alarm sa 18 metro na nag-uutos ng mandatory evacuation.
Noong 11:35 p.m. Sabado, umabot sa 18.4 metro ang tubig kaya itinaas ang third alarm. RNT/MDS