Home NATIONWIDE Bago pag-usapan 2027 budget, 2026 halungkatin – Cayetano

Bago pag-usapan 2027 budget, 2026 halungkatin – Cayetano

1
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa economic team ng gobyerno na ipakita kung magkano na ang nagastos sa 2026 national budget, saan napunta ang pondo, at magkano na ang hiniram ng bansa, habang nagsisimula ang Senado sa deliberasyon para sa 2027 budget.

Sa liham niya kay Senate Finance Committee Chair Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito, sinabi ni Cayetano na mahalaga ang mga datos para maging transparent ang proseso at matiyak na naaayon ang badyet sa mga ipinangakong prayoridad ng gobyerno.

“There is no measure this Congress passes each year that is more consequential and touches more Filipino lives than the General Appropriations Act (GAA),” aniya.

“It is our values and priorities written in numbers. That is why we owe it to our people to get this budget right,” saad pa niya.

Nagsimula na si Ejercito sa mga pagdinig para sa ₱7.2-trilyong 2027 national budget noong Agosto 27.

Hiniling din ni Cayetano sa Department of Budget and Management (DBM) ang detalye kung magkano sa 2026 budget ang na-release, nakalaan sa mga proyekto, at aktuwal nang nabayaran. Gusto rin niyang malaman ang kakayahan ng bawat ahensya na gumastos ng kanilang pondo o absorptive capacity.

Hiningi rin niya ang impormasyon tungkol sa paggamit ng UPLIFT (Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport), kabuuang utang ng bansa hanggang Hulyo 31, 2026, mga bagong loan at bonds sa nakalipas na tatlong taon, at mga foreign loan at grant na hinihintay pa ang approval.

Ipinasusuri rin ni Cayetano ang mga pondong inilipat, ni-realign, o idinagdag sa ibang programa mula Hulyo 2023, kasama ang pinanggalingan at pinaglipatan ng mga ito.

Hiniling niyang maagang isumite ng mga ahensya ang mga dokumento upang magkaroon ng sapat na oras ang mga senador na pag-aralan ang mga ito.

Sa kabila nito, tiniyak ni Cayetano ang kanyang “full and good faith cooperation” sa pagbuo ng 2027 budget.

“(It must be) a budget that honors God, builds communities, and transforms the nation,” aniya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here