Home HOME BANNER STORY 2.4M pamilya apektado ng pagbaha sa 10 rehiyon – OCD

2.4M pamilya apektado ng pagbaha sa 10 rehiyon – OCD

2
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 2.4 milyong pamilya ang apektado ng malawakang pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan mula sa Habagat.

Ang mga apektado ay mula sa 10 rehiyon sa Luzon, Visayas, at Mindanao ayon sa Office of Civil Defense.

Sa pahayag, sinabi ng OCD na hanggang nitong alas-6 ng gabi ng Linggo, Agosto 30, ay nananatili sa 32 ang kumpirmadong patay dahil sa kalamidad.

Mayroon namang 19 sugatan at tatlong nawawala.

Ang 2.4 milyong pamilya o 8.4 milyong indibidwal na apektado ay mula sa mga rehiyon ng:

CAR (Cordillera Administrative Region)
I (Ilocos Region)
II (Cagayan valley)
III (Central Luzon)
IV-A (CALABARZON)
IV-B (MIMAROPA)
V (Bicol)
VI (Western Visayas)
IX (Zamboanga Peninsula)
NCR (Metro Manila)

Sa nasabing mga rehiyon, 35,500 pamilya o 122,500 indibidwal ang tumutuloy sa 1,115 evacuation centers. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here