MANILA, Philippines – Wala pa ring nananalo ng jackpot sa major lotto draws nitong Linggo, Agosto 30, 2026.
Dahil dito ay umabot na sa P252 milyon ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula ng winning combination na 08-01-35-55-53-16 para sa Ultra Lotto 6/58 prize na ₱252,060,911.64.
Wala ring nakahula ng winning combination na 15-14-05-17-09-47 para sa Superlotto 6/49 prize na ₱25,126,923.90. RNT/JGC