Home NATIONWIDE 2 Chinese national na sangkot sa pag-import ng P1.6B shabu habambuhay makukulong

2 Chinese national na sangkot sa pag-import ng P1.6B shabu habambuhay makukulong

1
0

MANILA, Philippines – Sinentensyahan ng korte sa Pasay City ng habambuhay na pagkabilanggo ang dalawang Chinese national kaugnay sa tangkang pagpasok ng malalaking halaga ng iligal na droga sa bansa noong 2020.

Malugod namang tinanggap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang desisyong ito ng korte.

Sa 24 pahinang desisyon na may petsang Agosto 25, sinentensyahan ng Pasay City Regional Trial Court ang Chinese nationals na sina Jason Ang at James Soriano ng life imprisonment at pinagmulta ng tig-P2 milyon sa pagpasok ng mahigit 239 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.62 bilyon.

Ang dalawa ay naaresto noong Oktubre 2020 sa controlled delivery operation sa Cabanatuan City, Nueva Ecija matapos maharang ng mga awtoridad ang malaking drug shipment na nakatago sa loob ng mga tea bag mula Malaysia.

Sa pahayag nitong weekend, sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez na ang matagumpay na sentensya ay nagpapakita ng kahalagahan ng paghihintay, inter-agency coordination at evidence-based law enforcement.

Ani Nerez, naniwala ang mga suspek na ang multi-bilyong pisong kontrabando “would slip quietly into their hands,” ngunit nahuli pa rin ng mga ahente sa kabila ng dumaranas ng pandemya ang bansa nang mga panahong iyon.

Nagbabala naman ang PDEA sa transnational syndicates na “illegal drugs may cross borders, but they will not be allowed to cross into the lives of Filipino families without a fight.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here