Home NATIONWIDE Peace adviser umaasa sa mapayapang BARMM polls

Peace adviser umaasa sa mapayapang BARMM polls

1
0

MANILA, Philippines – Umaasa si Presidential Peace Adviser Sec. Mel Senen Sarmiento na magiging mapayapa at matagumpay ang kauna-unahang regional parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre.

“The success of the election will not only be a milestone for the Bangsamoro peace process. It will be a victory for peace, democracy, and the Filipino people,” ani Sarmiento sa isang pahayag nitong Linggo, Agosto 30.

Ayon kay Sarmiento, kinikilala ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) bilang mahalagang milestone sa political track ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at Bangsamoro Organic Law.

Nauna nang nagpahayag ng pag-asa si Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia na magiging mapayapa rin ang halalan sa BARMM na nakatakda sa Setyembre 14.

Patuloy ang regular na koordinasyon ng Comelec sa militar, pulisya at iba pang stakeholder sa rehiyon upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang halalan.

“We appreciate the continuing efforts of the Commission on Elections and the security cluster to ensure that the electoral process is conducted properly and peacefully,” ani Sarmiento.

Kinilala rin niya ang pagiging responsable ng mga partidong pulitikal at kanilang mga lider habang papalapit ang makasaysayang halalan.

Ayon kay Sarmiento, malinaw ang direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat mapanatili ng halalan ang integridad ng demokratikong proseso at maprotektahan ang karapatan ng mga Bangsamoro na malayang pumili ng kanilang mga lider.

Tinatayang 2.4 milyong rehistradong botante sa 5,212 clustered precincts at 1,186 voting centers sa BARMM ang boboto sa Setyembre 14.

Sila ay pipili ng 40 regional parliamentary seats para sa political parties, 32 single-district representatives at anim na sectoral representatives.

Kabilang sa sectoral representatives ang dalawang kinatawan ng settler communities at tig-iisang kinatawan para sa kababaihan, kabataan, traditional leaders at Ulama o mga Muslim religious leaders.

Samantala, napili na ng non-Moro Indigenous Peoples (NIMIP) ang kanilang dalawang kinatawan sa pamamagitan ng tradisyonal at customary na paraan.

Matapos maiproklama ang 80 halal na miyembro ng Parliament, sila naman ang pipili ng Chief Minister ng BARMM.

Hindi direktang boboto ang mga residente ng BARMM para sa Chief Minister. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here