Home METRO Ilang pasahero stranded sa 8 pantalan dahil sa hagupit ng Habagat

Ilang pasahero stranded sa 8 pantalan dahil sa hagupit ng Habagat

3
0

MANILA, Philippines — Umabot sa 38 pasahero ang na-stranded sa walong pantalan sa Luzon dahil sa masamang panahon na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes, Agosto 31.

Batay sa ulat mula 4 a.m. hanggang 8 a.m., na-stranded ang mga pasahero sa Pola Port, Looc Port, San Agustin Port, CGSS Balayan, Anilao Port, Calatagan Port, Wawa Port, at Buyabod Port

Ayon sa PCG, na-stranded din ang ilang truck driver at cargo helper.

Samantala, 11 barko, 14 tugboat at 11 barge ang kasalukuyang nakasilong sa mga nabanggit na pantalan.

Ayon naman sa PAGASA, magdadala ang Habagat ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas nitong Lunes. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here