MANILA, Philippines – Umabot na sa 33 katao ang nasawi dahil sa epekto ng southwest monsoon o Habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Sa press conference nitong Lunes, sinabi ni OCD Director Gregorio Tomas na 19 ang nasugatan habang tatlo ang nawawala.
Aabot naman sa 8.8 milyong indibidwal sa buong bansa ang naapektuhan ng sama ng panahon.
Patuloy na nakaaapekto ang Habagat sa Metro Manila, buong Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas, na nagdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Inaasahan din na palalakasin ng Tropical Depression Pilandok ang Habagat, ayon sa Pagasa. RNT/MDS