Home NATIONWIDE Pagbawi ng testimonya ni Guteza sa flood control scam, nagpabagsak sa kredibilidad...

Pagbawi ng testimonya ni Guteza sa flood control scam, nagpabagsak sa kredibilidad ng ‘Maleta Boys’

1
0

MANILA, Philippines – Nawalan na ng bigat at kredibilidad ang mga akusasyon ng natitirang “Maleta Boys” matapos bawiin ng pangunahing testigo na si Orly Guteza ang kanyang naunang pahayag hinggil sa  kickback sa kontrobersyal na flood control scam.

Ayon kay human rights lawyer Antonio Bucoy, hindi nasusukat sa dami ng tao ang laka

Matatandaan na sa 18 na tinaguriang maleta boys ay 4 sa mga ito ang bumawi sa kanilang testimonya.

Sinabi ni Bucoy na ang pagbawi ng mga nasabing indibidwal ay perpektong nagtugma sa naunang posisyon at salaysay ng 25 iba pang kasamahan na mga dating tauhan din ni dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co. Ang grupong ito ay nauna nang tumanggi at nagpabulaanan sa mga paratang na ibinato ng orihinal na 18 Maleta Boys.

Subalit binigyang-diin ng abugado na ang pinakamahalagang pagbabago sa takbo ng usapin ay ang pag-urong sa salaysay ng dating Marine Master Sergeant na si Orly Guteza. Si Guteza ang kauna-unahang nagbunyag at nagpasimula ng mga paratang laban kay Romualdez sa pamamagitan ng isang pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee.

Aniya,  magkakaugnay ang mga naging paratang ni Guteza at ng buong grupo ng Maleta Boys. Dahil dito, sa sandaling binawi ni Guteza ang kanyang unang pahayag, na ayon sa kanya ay pinilit lamang at may kaakibat na panunuhol, ay kasamang nawalan ng matibay na batayan ang buong akusasyon laban kay Romualdez dahil hindi na maituturing na kapani-paniwala ang mga naiwang pahayag.

“ Kung pinabulaanan na ni Orly Guteza yung kanyang unang salaysay at sinabing ito ay pinilit lamang sa kanya at merong panunuhol na kaakibat ito,ano pang kalalabasan nito? Wala hong ebidensiya. Hindi kapani-paniwala yung natitira,” giit pa ni Bucoy.

Bukod sa usapin ng mga testigo, tahasan ding pinuna ni Bucoy ang Office of the Ombudsman dahil sa “selective prosecution” o pamimili kung sino ang dapat na papanagutin kaugnay ng kontrobersya sa flood control scam.

 Ipinunto nito na noong pumutok ang iskandalo, ang orihinal na mga paratang ng 18 Maleta Boys ay hindi lamang nakatuon kay Romualdez kundi nagdawit din sa iba pang mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan.

Para kay Bucoy, nakapagtataka kung bakit pinipili lamang ng Ombudsman kung aling ebidensiya ang bibigyan ng bigat at alin ang babalewalain, lalo na kung ang idinadawit ay ang dating Speaker habang ang ibang pangalan ay tila kusang ibinabaon sa limot. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here