Home NATIONWIDE Remulla: Fake news peddlers nais impluwensyahan mga korte, sirain institusyon

Remulla: Fake news peddlers nais impluwensyahan mga korte, sirain institusyon

1
0

MANILA, Philippines = Binatikos ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga nagpapakalat ng fake news at sinasabing nais lamang nitong guluhin ang mga institusyon.

Matatandaan na kamakailan ay inanunsyo ni Remulla na nais niyang sampahan ng reklamo ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon sa kanyang kalusugan.

“Gusto nila, alugin yung institution… Gusto nila influence yung korte. Kaya contemptuous yun,” sinabi ni Remulla sa panayam ng DZRH.

“Ang kalaban ng opisina ko ngayon, marami kaming kalaban na DDS (Diehard Duterte Supporters), at mayroon kaming kalaban na galing din sa… loob, sa hanay ng mga nakasama dati,” ani Remulla.

Aniya, hindi patas sa mga akusado kung gagawin niya ang katulad ng ginagawa ng mga kaaway kung kaya’t hahayaan niyang ang ebidensya ang magsalita para rito.

Hahayaan din ng Ombudsman na ang Department of Information and Communications Technology ang humawak sa usapin. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here