Home HOME BANNER STORY Alternative Work and Learning Arrangements sa 15 lalawigan ipinag-utos ng Malakanyang sa...

Alternative Work and Learning Arrangements sa 15 lalawigan ipinag-utos ng Malakanyang sa gitna ng malakas na ulan

2
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ang ilang tanggapan ng gobyerno sa ilang lalawigan ng alternative work arrangements, araw ng Martes, Setyembre 1, 2026, kasunod ng patuloy na malakas na pag-ulan na may kasamang pinalakas na Southwest Monsoon.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 133, nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos jr., ang kautusan ay sa rekumendasyon na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), saklaw ng direktiba ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Apayao, Batanes, Nueva Vizcaya, Zambales, Tarlac, Pampanga, at Bataan.

Magpapatuloy naman ang operasyon at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo ng mga ahensiya na may kinalaman sa paghahatid ng pangunahin at serbisyong pangkalusugan, paghahanda sa sakuna at pagtugon, at iba pang mahalagang serbisyo.

Ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers na inilagay sa ilalim ng alternative work arrangements ay patuloy na makatatanggap ng kani-kanilang kaukulang sahod o kita, “subject to applicable rules and regulations.”

Samantala, inatasan naman ang mga pampubliko at pribadong eskuwelahan sa mga apektadong lugar na magpatupad ng alternative learning modes and learning continuity measures.

Pinapayagan naman ng circular ang Local Chief Executives na magpatupad ng localized cancellation o suspensyon ng klase at/o tanggapan ng gobyerno sa ibang lugar, alinsunod sa kaugnay na batas at rules and regulations.

Ang suspensyon ng trabaho o adopsyon ng alternative work arrangements sa pribadong sektor ay ipinauubaya na sa diskresyon ng namamahala. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here