Home ENTERTAINMENT Kim, may hanash sa tax at baha!

Kim, may hanash sa tax at baha!

3
0

Manila, Philippines – Sa kanyang X (dating Twitter) account, naglabas ng hinaing si Kim Chiu sa matinding paghihirap at pagdurusa na dinaranas ng mga Pilipino ngayon dahil sa baha.

“Ilang buwan na tayong nakakaranas ng sunud-sunod na ulan. Baha dito, baha ru’n. Maraming tahanan ang nalubog, maraming kabuhayan ang nawala, at marami ring imprastraktura na pinondohan ng bilyun-bilyong piso mula sa pera ng taumbayan ang nasira o ‘di nakayanan ang mga ganitong sakuna,” sabi ni Kim.

Kinuwestiyon ng aktres kung saan napupunta ang mga buwis na ibinabayad ng mg taxpayers at kung bakit hindi maayus-ayos ang matagal nang problema sa flood control.

“Yes, pera NATIN. Bilang mamamayang Pilipino, nagbabayad tayo ng TAX. Kaya may Karapatan tayong magtanong: Saan napupunta ang pera ng bayan? Nasaan ang maayos na paghahanda? Nasaan ang mga proyektong dapat sana ay nagpoprotekta sa atin?

“Natural ang malakas na ulan at bagyo sa Pilipinas, pero hindi dapat maging normal ang paulit-ulit na pagdurusa ng mga Pilipino dahil sa kakulangan sa paghahanda, maayos na imprastraktura at responsableng pamamahala.

“Minsan, pakiramdam ko, ang Diyos at ang kalikasan na mismo ang nagpapaalala sa atin na may mga bagay tayong kailangang makita, tanungin at baguhin. Do we really deserve this? Palalampasin na lang ba natin ulit?” aniya pa. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here