Home SPORTS Creamline undefeated pa rin sa PVL Invitational

Creamline undefeated pa rin sa PVL Invitational

2
0

MANILA, Philippines – Umarangkada ang Creamline laban sa Ho Chi Minh City ng Vietnam, 25-18, 25-16, 25-6, sa PVL Invitational.

Dahil sa panalo, nananatiling walang talo ang Cool Smashers at sila na ang nangunguna sa anim na koponang torneo.

Nasa 2-0 ang Creamline habang nananatiling winless sa 0-2 ang Ho Chi Minh City.

Nagpakita ng dominanteng laro ang Creamline lalo na sa third set na isa sa pinakamalalaking set wins sa kasaysayan ng professional era ng PVL.

Nanguna sa opensa sina Jema Galanza, Tots Carlos at Jaja Santiago-Minowa na kapwa nagtala ng tig-12 points.

Susunod na makakaharap ng Creamline ang Farm Fresh sa Huwebes, kung saan target nitong makuha ang ikatlong sunod na panalo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here