Home SPORTS Creamline undefeated pa rin sa PVL InvitationalSPORTSSPORTS BANNER STORYTOP STORIES Creamline undefeated pa rin sa PVL InvitationalSeptember 2, 2026 14:1110 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Umarangkada ang Creamline laban sa Ho Chi Minh City ng Vietnam, 25-18, 25-16, 25-6, sa PVL Invitational.Dahil sa panalo, nananatiling walang talo ang Cool Smashers at sila na ang nangunguna sa anim na koponang torneo.Nasa 2-0 ang Creamline habang nananatiling winless sa 0-2 ang Ho Chi Minh City.Nagpakita ng dominanteng laro ang Creamline lalo na sa third set na isa sa pinakamalalaking set wins sa kasaysayan ng professional era ng PVL.Nanguna sa opensa sina Jema Galanza, Tots Carlos at Jaja Santiago-Minowa na kapwa nagtala ng tig-12 points.Susunod na makakaharap ng Creamline ang Farm Fresh sa Huwebes, kung saan target nitong makuha ang ikatlong sunod na panalo.