Home SPORTS Gilas umaasang makababalik pa rin si Bronwlee

Gilas umaasang makababalik pa rin si Bronwlee

1
0

Nananatiling bukas ang Gilas Pilipinas sa posibilidad na makasama si Justin Brownlee sa 20th Asian Games.

Ayon kay head coach Tim Cone, umaasa ang koponan na makakalaro ang 38-anyos na naturalized player sa quadrennial meet.

Hindi pa kumpirmado ang paglahok ni Brownlee, ngunit sinabi ni Cone na nais pa rin nitong sumama sa koponan.

Hindi nakalaro si Brownlee sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers dahil sa mga injury sa hamstring at tuhod.

Sa kabila nito, nakakuha ang Gilas ng mahahalagang panalo laban sa Jordan at Iran.
Naghahanda na ang Gilas pool sa isang maikling training camp sa Korea bago tumungo sa Nagoya, Japan para sa Asian Games. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here