Home NATIONWIDE 1.4M estudyante sa Indonesia apektado pag-aaral sa wildfire haze

1.4M estudyante sa Indonesia apektado pag-aaral sa wildfire haze

3
0

INDONESIA – Nasa 1.4 milyong estudyante sa anim na probinsya ng Indonesia ang lumipat sa online class dahil sa masamang kalidad ng hangin dahil sa forest fire.

Hanggang nitong Setyembre 2, nasa 1.43 milyong estudyante mula sa 12,874 paaralan sa anim na probinsya ang naapektuhan ng forest fire, ayon kay Gogot Suharwoto, education ministry official.

Pinaigting pa ng Indonesia ang hakbang para mapahupa ang epekto ng haze dahil sa wildfire sa anim na probinsya kabilang ang Riau, Jambi at South Sumatra sa Sumatra, maging ang West Kalimantan, Central Kalimantan, at South Kalimantan sa Borneo.

Sa 1.43 milyong estudyante, 1.1 milyon ang nasa West Kalimantan kung saan din naitala ang pinakamalalang wildfire ngayong taon.

Ang remote learning ay tatagal hanggang Setyembre 4 at nagsimula noong Agosto 31. Aalamin tuwing ikatlong araw kung palalawigin pa ang remote learning.

Sa ulat, malaking bahagi ng rehiyon sa Kalimantan ang nakapagtala ng air pollution readings na lampas 200 nitong Miyerkules, at ang iba ay lampas pa sa 1,000.

Pinakamatindi ang epekto sa Southeast Pontianak region sa West Kalimantan province kung saan umabot sa 1,023 ang air pollution readings.

Sa air quality classification system, ang patuloy na reading na mas mataas sa 300 ay itinuturing nang “hazardous.”

“School principals are authorized to take immediate action in urgent situations. They do not have to wait until conditions worsen or spend too long consulting with other authorities,” sinabi ni Gogot.

Sa datos ng Forestry Ministry, nasa 200,000 ektarya ng lupain ang tinupok ng wildfire sa unang pitong buwan ng taon at dumoble noong Hulyo.

Mayroong 73,310 ektarya ng lupain sa anim na priority provinces ang apektado ng wildfire. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here