Home NATIONWIDE PBBM: Pinas ilang deklada nang may flood control master plan, ‘We’re executing...

PBBM: Pinas ilang deklada nang may flood control master plan, ‘We’re executing it now’

6
0

MANILA, Philippines – Ilang dekada nang may flood control master plan ang Pilipinas ngunit ngayon lamang ito naipapatupad, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“We already have a masterplan. It’s just never been executed. We are only executing it now. We have had a masterplan for decades, but walang ginawa. Hanggang ngayon lang. Ngayon lang natin sinisimulan,” sinabi ni Marcos.

Ito ang sinabi ni Marcos matapos inspeksyunin ang napinsalang Agana at Aquino bridge sa Tarlac. Ang mga ito ay gumuho sa kasagsagan ng mga pagbaha at malalakas na pag-ulan dala ng Habagat.

Nauna nang inanunsyo ng Malakanyang ang planong pagtatayo ng limang dam sa Nueva Ecija at 100 kilometrong dike patungong Pilar, Bataan bilang bahagi ng long term solution ng pamahalaan sa paulit-ulit na pagbaha sa Central Luzon.

Ang mga planong proyekto ay pinag-usapan sa situation briefing sa Pampanga noong nakaraang linggo kasunod ng malawakang pagbaha sa rehiyon.

Ani Palace Press Officer Claire Castro, tinitingnan ng pamahalaan ang agaran, medium-term at long-term measures upang mabawasan ang epekto ng pagbaha sa Central Luzon.

Sa budget hearing ng proposed budget ng Department of Public Works and Highways na mahigit P642 bilyon para sa taong 2027, sinabi ni Secretary Vince Dizon na walang national plan para sa flood control at drainage.

Ang mayroon aniya ay flood control plan para sa lahat ng 18 major river basins ng bansa.

Ito ay rekomendasyon umano ng foreign partners ng DPWH. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here