Home NATIONWIDE Mga motoristang naipit sa heavy traffic sa NLEX, pwedeng maningil ng danyos...

Mga motoristang naipit sa heavy traffic sa NLEX, pwedeng maningil ng danyos – Palasyo

3
0
filter: 0; fileterIntensity: 0.0; filterMask: 0; captureOrientation: 0; algolist: 0; multi-frame: 1; brp_mask:8; brp_del_th:0.0075,0.0017; brp_del_sen:0.1000,0.1000; motionR: 0; delta:null; module: photo;hw-remosaic: false;touch: (-1.0, -1.0);sceneMode: 2621440;cct_value: 0;AI_Scene: (-1, -1);aec_lux: 293.78772;aec_lux_index: 0;albedo: ;confidence: ;motionLevel: 0;weatherinfo: null;temperature: 36;

MANILA, Philippines – PARA sa Malakanyang, nararapat na bayaran ang danyos ng mga motoristang apektado ng matindi at mabigat na trapiko sa North Luzon Expressway (NLEX) ngunit kailangan muna ng tamang pagsisiyasat.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hihintayin ng gobyerno ang mga matutuklasan sa imbestigasyon bago matukoy kung anong partido ang dapat managot sa pagkagambala.

“Yes, maaari nating masabing may kakulangan pero ayaw ko pong magkaroon ng pre-judgement,” ayon kay Castro.

“Kailangan nating marinig at kung dapat na mayroong managot, mabayaran ng danyos ang ating mga kababayan, iyan din po ang nais ng Pangulo kasi marami po talagang na-danyos sa nangyari po at tingnan po natin,” aniya pa rin.

Tugon ito ni Castro sa lumalaking panawagan para sa NLEX Corporation, tollway operator, na i-waive ang toll fees at bayaran ang mga motorista na na-stranded ng matindi at mabigat na trapiko.

Kasunod ng ilang linggong pag-ulan, may ilang bahagi kasi ng NLEX sa San Simon Interchange at Tulaoc Exit ang binaha, nagdulot ng matindi at mabigat na trapiko na umabot sa 10 kilometro.

Araw ng Miyerkules, Setyembre 2, ang toll fees para sa mga motorista na dumadaan sa toll plaza sa Pulilan sa Bulacan at San Fernando sa Pampanga ay winave (waived) sa gitna ng matindi at mabigat na trapiko.

Gayunman, nilinaw ni Castro na wala pa siyang konklusyon para rito at kokonsultahin muna si Transportation Secretary Giovanni Lopez.

Sa kabilang dako, todo-depensa naman si Castro sa kanyang ipinahayag ukol sa trapiko sa NLEX na nagdulot ng backlash mula sa mga netizen. Tinananong kasi si Castro ukol sa posisyon ng Malakanyang sa pag-waive ng NLEX toll fees sa gitna ng matindi at mabigat na trapiko.

“Iyong stranded doon? Libre? Bakit ka pa papasok kung trapik na? Huwag na muna kayong dumaan doon, kasi kung hindi naman siya makakalusot, so ano ang purpose ng libre,” ayon kay Castro.

Ikinalungkot ni Castro na may ilang tao ang ginamit ang kanyang pahayag na mali ang konteksto, sabay sabing ang “papasok” ay tumutukoy rin sa pagpasok sa trabaho o eskuwelahan.

Ang tinutukoy aniya niya ay kapag winave (waive) ang toll fees ay makapanghihikayat lamang ito ng mas maraming motorista na gumamit ng NLEX at mas madaragdagan pa ang bilang ng mga sasakyan sa expressway, sa halip na tao papunta sa trabaho o eskuwelahan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here