Home NATIONWIDE Ikalawang wave ng pagsirit sa kaso ng leptospirosis sa susunod na linggo,...

Ikalawang wave ng pagsirit sa kaso ng leptospirosis sa susunod na linggo, ibinabala

2
0

MANILA, Philippines – Posibleng magkaroon ng ikalawang pagsirit sa mga kaso ng leptospirosis sa mga susunod na araw kasunod ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at Central Luzon nitong weekend, ayon sa isang health expert.

Sinabi ni infectious diseases specialist Dr. Rontgene Solante sa panayam ng ABS-CBN News na inaasahang tataas ang hospital admissions sa pagtatapos ng linggo at sa unang bahagi ng susunod na linggo.

Gayunman, umaasa si Solante na mas magiging alerto na ang publiko sa mga sintomas ng leptospirosis at agad na magpapatingin upang hindi umabot sa moderate o severe cases.

“Ang prediction namin yan, merong second wave, pero hindi na siguro ganun kadami as what we have experienced last week and late part of this week,” ani Solante.

Batay sa datos ng Department of Health, umabot na sa mahigit 5,400 ang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Agosto 27.

Bukod sa leptospirosis, pinaalalahanan din ang publiko na mag-ingat laban sa iba pang sakit na karaniwan tuwing tag-ulan, kabilang ang waterborne diseases, influenza-like illnesses at dengue.

Kaugnay nito, idineklarang may dengue outbreak sa Bohol, ngunit sinabi ni Solante na nananatiling manageable ang sitwasyon sa kabuuan.

Hinimok din ang publiko na agad alisin ang naiiwang tubig sa mga bahay at paligid upang hindi maging breeding ground ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Pinapayuhan ang sinumang makaranas ng lagnat, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, at sakit ng ulo na agad kumonsulta sa doktor upang maiwasang lumala ang kondisyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here