Home HOME BANNER STORY Ratings ng Senado bumaba, Kamara tumaas sa Q2 2026 – OCTA

Ratings ng Senado bumaba, Kamara tumaas sa Q2 2026 – OCTA

3
0
Nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.Nasa Senate impeachment court ang prosekusyon at depensa, kasama ang Senator-Judges mula sa Minorya at Mayorya.Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Bumaba ang public trust at satisfaction ratings ng Senado sa ikalawang bahagi ng 2026, habang bumuti naman sa Kamara, ayon sa second quarter 2026 Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research.

Nakita sa sarbey na bumaba mula sa 44% noong unang quarter sa 41% sa second quarter ang tiwala sa Senado, habang ang distrust ay tumaas mula 24% patungong 27%.

Bumaba rin ang satisfaction rating sa performance ng Senado mula 42% patungong 38%, habang ang dissatisfaction ay tumaas mula 27% patungong 32%.

Sa kabila ng pagbaba, nananatiling magkakaiba naman ang opinyon ng publiko sa Senado sa buong bansa.

Nakita sa survey na 41% ng adult Filipinos ang nagtitiwala sa Senado, habang 27% ang may distrust at 32% ang undecided.

Sa performance ng Senado, 38% ang satisfied, 32% ang dissatisfied at 30% ang undecided.

Kaiba sa Kamara, tumaas naman ang trust rating nito mula 36% sa first quarter patungong 38% sa second quarter, habang ang distrust ay bumaba mula 33% patungong 28%.

Tumaas din ang satisfaction sa performance ng Kamara mula 35% patungong 37%, habang ang dissatisfaction ay bumaba mula 35% patungong 32%.

Sa buong bansa, 38% ng adult Filipinos ang nagsabing nagtitiwala sila sa Kamara kumpara sa 28% na nagpahayag ng kawalan ng tiwala at 33% na undecided.

Samantala, 37% ang satisfied sa performance ng Kamara, 32% ang dissatisfied at 31% ang undecided.

Ang survey ay isinagawa mula Hulyo 4 hanggang 11, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents edad 18 at pataas.

Mayroon itong margin of error na ±3 % sa 95% confidence level. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here