Home METRO Ama patay, anak nawawala nang tangayin ng agos sa Zambales river

Ama patay, anak nawawala nang tangayin ng agos sa Zambales river

3
0

ZAMBALES, Philippines – Natagpuang patay noong Miyerkules ang 35-anyos na lalaki, isang araw matapos siyang tangayin ng malakas na agos ng ilog kasama ang kanyang 7-anyos na anak sa Botolan, Zambales.

Kinilala ang biktima na si Simeon Candule, residente ng Barangay Palis, Botolan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), pauwi na si Candule kasama ang kanyang anak bandang 1 p.m. noong Martes sakay ng karitong hinihila ng kalabaw nang tangayin ng malakas at mabilis na agos ang mga ito at mahulog sa ilog.

Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad sa mga bahagi ng pampang na maaaring marating. Sa pinaigting na paghahanap, nakita ang isang katawan sa shoreline na kinilala ng pamilya bilang si Candule.

Ipinagkatiwala na ng PCG ang labi ni Candule sa kanyang pamilya at isinakay sila patungong Barangay Palis. Patuloy naman ang paghahanap sa kanyang 7-anyos na anak. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here