MANILA, Philippines – Umakyat sa bagong record high na P19.39 trilyon ang outstanding debt ng pambansang pamahalaan hanggang katapusan ng Hulyo, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr) nitong Huwebes.
Dahil ito sa mga bagong pangungutang at patuloy na paghina ng piso. Katumbas na ito ng humigit-kumulang 98 porsiyento ng binagong debt program ng gobyerno na P19.765 trilyon para sa 2026.
Sa kabuuang utang, tumaas ng 2.11 porsiyento ang domestic debt sa P13.11 trilyon, habang bahagyang umakyat ng 0.84 porsiyento ang external debt sa P6.28 trilyon.
Dahil din sa paghina ng piso, nadagdagan ang halaga sa piso ng mga utang ng gobyernong nak denominasyon sa foreign currency. Pumalo sa P61.290 kada US dollar ang palitan ng piso noong Hulyo 30. RNT/MDS