Home METRO Kaso inirekomenda vs 15-anyos na suspek sa Tacloban school shooting

Kaso inirekomenda vs 15-anyos na suspek sa Tacloban school shooting

2
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng mga piskal sa Tacloban City ang pagsasampa ng apat na counts ng frustrated murder at anim na counts ng attempted murder laban sa 15-anyos na estudyanteng sangkot sa pamamaril sa San Jose National High School noong Hunyo.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary Ian Norman Dato, nakita ng mga prosecutor na kumilos ang menor de edad nang may “discernment” at umano’y nakipagsabwatan sa isa pang 14-anyos na estudyante.

Nakatakdang ihain sa Regional Trial Court sa Tacloban City ang 10 information laban sa 15-anyos.

Bukod dito, nahaharap na rin ang menor de edad sa tatlong counts ng murder at iba pang kaso kaugnay ng insidente na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng ilan pa noong Hunyo 22.

Samantala, ang 14-anyos na isa pang sangkot sa insidente ay exempted sa criminal liability sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act ngunit sasailalim sa intervention program.

Nauna na ring inirekomenda ng Tacloban prosecutors ang pagsasampa ng reckless imprudence resulting in multiple homicide and physical injuries laban sa tiyahin ng isa sa mga menor de edad, na umano’y may-ari ng isa sa mga baril na ginamit sa pamamaril. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here