Home NATIONWIDE 237 ektarya ng kagubatan, lupa nasunog sa West Java

237 ektarya ng kagubatan, lupa nasunog sa West Java

3
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 237 ektarya ang kagubatan at lupang tinupok ng sunog sa West Java, Indonesia habang nagpapatuloy ang matinding dry season sa bansa.

Batay sa datos ng West Java Regional Disaster Management Agency, umabot sa 168 ang naitalang fire incidents na nakaapekto sa 186 subdistricts sa 21 districts at cities. Wala namang naiulat na nasugatan.

Pinakamaraming insidente ang naitala sa Sumedang Regency na may 22 sunog.

Nauna nang iniutos ng West Java provincial government ang pansamantalang pagsasara ng ilang mountain hiking areas matapos umakyat sa 228.07 ektarya ang burned forest and land area noong Agosto 31.

Nakadaragdag sa panganib ng wildfire ang matagal na tagtuyot sa Indonesia, habang nakapagtala na rin ng malawakang forest at land fires sa iba pang bahagi ng bansa.

Sa Kalimantan at Sumatra, nagbabala rin ang Indonesia’s National Disaster Mitigation Agency sa makapal na usok mula sa mga wildfire at hinikayat ang mga residente na regular na bantayan ang air quality.

Hiwalay ang mga sunog sa West Java sa mga wildfire sa Kalimantan at Sumatra na inuugnay sa haze na nakaabot sa ilang bahagi ng Pilipinas nitong mga nakaraang araw. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here