Home NATIONWIDE Malacañang nagkomento sa arrest warrant vs VP Sara

Malacañang nagkomento sa arrest warrant vs VP Sara

4
0

MANILA, Philippines – Igagalang ng Malacañang ang desisyon ng Quezon City court na maglabas ng warrant of arrest laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng tatlong counts ng grave threats.

“Ginagalang ng Palasyo ang anumang desisyon o kautusan ng korte,” pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro nitong Biyernes, Setyembre 4.

Inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang warrant matapos makakita ng probable cause upang litisin ang Bise Presidente sa tatlong kaso. Itinakda ang piyansa sa P120,000 bawat count.

Kinumpirma naman ng kampo ni Duterte na natanggap na ng kanyang mga abogado ang warrant at nakatakda silang magpiyansa sa lalong madaling panahon.

Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Paul Lawrence Lim, walang intensyon ang Bise Presidente na umiwas sa batas sa kabila ng patuloy nilang pagtutol sa jurisdiction ng korte.

Nag-ugat ang mga kaso sa mga pahayag ni Duterte noong 2024 hinggil kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. Nauna nang iginiit ng Bise Presidente na ang kanyang mga pahayag ay kinuha umano sa maling konteksto at hindi isang banta.

Ang parehong insidente ay kabilang din sa mga usaping tinatalakay sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Duterte sa Senado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here