Home NATIONWIDE DOH-7: N95 mas mainam kaysa basang tuwalya kontra haze

DOH-7: N95 mas mainam kaysa basang tuwalya kontra haze

1
0

CEBU CITY, Philippines – Hindi inirerekomenda ng Department of Health-Central Visayas (DOH-7) ang paggamit ng basang tuwalya o panyo bilang proteksyon laban sa haze at pinayuhan ang publiko na gumamit ng maayos na nakasuot na N95 mask.

Sa panayam ng Cebu Daily News Digital, sinabi ni DOH-7 medical officer Dr. Jeanette Pauline Arellano-Cortes na maaaring pahirapan ng basang tela ang paghinga at hindi rin nito natatakpan nang maayos ang mga puwang sa paligid ng mukha kung saan maaaring makapasok ang polluted air.

Mas mainam umano ang N95 mask dahil nakatutulong ang mahigpit na fit nito laban sa fine particulate matter tulad ng PM2.5.

Kung walang N95, maaari namang gumamit ng surgical mask, ngunit dapat tiyaking natatakpan nang maayos ang ilong at bibig. Maaari ring magsuot ng cloth mask sa ibabaw ng surgical mask upang mabawasan ang gaps sa gilid ng mukha, ayon sa DOH-7 official.

Kasabay nito, umabot sa 202 o “acutely unhealthy” ang air quality index sa Metro Cebu monitoring station ng Environmental Management Bureau-7 alas-7 ng umaga nitong Biyernes, Setyembre 4.

Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na limitahan ang outdoor activities at hindi kinakailangang paglabas, lalo na ang mga may sakit sa puso o respiratory conditions.

Naghahanda na rin ang mga ospital sa Central Visayas sa posibleng pagdami ng mga pasyenteng makararanas ng respiratory problems habang nagpapatuloy ang haze. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here