Home NATIONWIDE Leviste pinalagan NBI sa human trafficking complaint: National Bureau of IMBENTO

Leviste pinalagan NBI sa human trafficking complaint: National Bureau of IMBENTO

3
0

MANILA, Philippines – Binatikos ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang National Bureau of Investigation (NBI) matapos ihayag ng ahensya na magsasampa ito ng reklamong qualified human trafficking laban sa kanya at anim na iba pa kaugnay ng umano’y “honey trap” plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

“NBI: National Bureau of IMBENTO, nag-iimbento ng kalokohan gamit ang buwis habang lubog ang bayan,” pahayag ni Leviste sa Facebook nitong Biyernes.

Nauna nang sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na nakumpleto na ng bureau ang imbestigasyon at ihahain sa Department of Justice ang qualified human trafficking complaint laban kina Leviste, dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras at lima pang indibidwal.

Nag-ugat ang imbestigasyon sa alegasyon ng isang talent manager na itinago sa pangalang “Ken” na may planong gumamit umano ng ilang babae upang gumawa ng fabricated statements laban kay Recto.

Ayon sa NBI, kabilang sa mga respondent ang ilang abogado na umano’y sangkot sa paghahanda ng mga pahayag, habang si Leviste naman ay inaakusahan ng pagkakaroon ng papel sa umano’y operasyon.

Nauna nang itinanggi nina Leviste at Paras ang kanilang pagkakasangkot sa naturang alegasyon.

Ang paghahain ng reklamo sa DOJ ay hindi pa katumbas ng pagsasampa ng criminal case sa korte o finding of guilt. Dadaan pa ito sa preliminary investigation upang matukoy kung may sapat na basehan para magsampa ng kaso laban sa mga respondent. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here