Home NATIONWIDE Piso bumagsak ulit sa bagong record low na P62.59 kada dolyar

Piso bumagsak ulit sa bagong record low na P62.59 kada dolyar

1
0
MSW

MANILA, Philippines – Muling humina ang piso at nagsara sa panibagong all-time low na P62.59 kontra US dollar nitong Biyernes, Setyembre 4.

Mas mahina ito ng pitong sentimo mula sa P62.52:$1 na pagsasara noong Huwebes at nilampasan ang dating record low na P62.565:$1 na naitala noong Setyembre 2.

Umabot pa sa P62.65 kada dolyar ang piso sa intraday trading bago bahagyang bumawi sa pagtatapos ng kalakalan.

Iniuugnay ng mga market analyst ang paghina ng lokal na pera sa mataas na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at patuloy na tensyon sa Middle East, na nagpapalakas sa demand para sa US dollar.

Patuloy namang minomonitor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang foreign exchange market habang nananatiling mahina ang piso.

Sa opisyal na BSP reference exchange rate para sa Setyembre 4, nasa P62.494 kada US dollar ang peso equivalent, na hiwalay sa closing rate sa foreign exchange trading market.

Ang mas mahinang piso ay maaaring magpataas sa halaga ng imported goods at commodities na binabayaran sa dolyar, kabilang ang langis, bagama’t nakatutulong naman ito sa peso value ng dolyar na remittances at iba pang foreign-currency earnings. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here