Home ENTERTAINMENT Dennis, nangalampag ng mga tiwaling sangkot sa flood control!

Dennis, nangalampag ng mga tiwaling sangkot sa flood control!

1
0

Manila, Philippines – Isa lang si Dennis Trillo na nangalampag gamit ang social media tungkol sa pagkaalarma sa sitwasyon ng mga kababayan nating nasalanta ng matinding baha.

Agaw-pansin ang post ng Kapuso actor sa Facebook kaugnay ng mga responsable sa maanomalyang flood control projects.

Ani Dennis: “Kumusta na kaya ‘yung mga nagnakaw sa mga flood control projects?”

Nilagyan niya ito ng hashtag na “#neverforget.”

Dennis’ post came pagkatapos ng kalunus-lunos na sinapit ng ating mga kababayan dulot ng maghapong pag-ulan nito pang nakaraan.

Partikular na apektado ang mga lugar sa Central Luzon at Metro Manila.

Maraming pamilya ang nawalan ng mga tahanan, maging ang kanilang ikinabubuhay ay damay din.

Sa post na ‘yon ni Dennis, pinatunayan lang niya ang kanyang malasakit sa mga kapwa Pilipino na hindi sana nagdurusa kung napunta sana sa dapat kapuntahan ang pondo para sa flood control.

Isa lang si Dennis sa mga hindi maitago ang galit sa mga pulitikong sangkot sa pagnanakaw ng perang dapat sana’y nakalaan para dito.

Dennis’ sentiments resonate with every Filipino, kaya makatwiran lang ang hanash niya sa FB. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here