Home NATIONWIDE Luzon, bahagi ng Visayas apektado ng Habagat

Luzon, bahagi ng Visayas apektado ng Habagat

3
0

MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Sabado, Setyembre 5, ang Habagat.

Ayon sa PAGASA, ang Occidental Mindoro ay makararanas ng monsoon rains dahil sa Habagat.

Occasional rains naman ang mararanasan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Oriental Mindoro, at Antique o katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan.

Ang Ilocos Region, Bicol Region, Western Visayas, nalalabing bahagi ng Central Luzon, nalalabing bahagi ng CALABARZON, nalalabing bahagi ng MIMAROPA, Abra, Benguet, at Northern Samar ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil pa rin sa Habagat.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa Habagat, habang kaparehong panahon ang iiral sa Mindanao dahil naman sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here