Home NATIONWIDE DOLE nag-deploy ng mahigit 11K TUPAD workers sa mga lugar na apektado...

DOLE nag-deploy ng mahigit 11K TUPAD workers sa mga lugar na apektado ng Habagat

2
0

MANILA, Philippines – Mahigit 11,000 manggagawa sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced Workers o TUPAD ang naideploy ng DOLE sa Metro Manila at Ilocos Region upang tumulong sa paglilinis, pag-alis ng bara, at paghahanda sa pagbaha sa gitna ng Habagat.

Ayon kay Labor Secretary Francis N. Tolentino, inaagapan na ang pag-deploy ng TUPAD bago pa man ang sunod-sunod na pagbaha.

Sa Metro Manila, 1,418 TUPAD workers ang naipadala mula Agosto 24 hanggang Oktubre 2 na may P 39.637 milyong alokasyon.

Ang kanilang trabaho ay maglinis ng basura, mag-unclog ng drainage at waterways, at maghanda ng mga komunidad sa baha.

Bahagi ito ng “Bayanihan sa Estero” ng DOLE at MMDA na may 10,000 slots at P220 milyong pondo para sa cleanup at rainy-season preparedness.

Sa Ilocos Region naman, 9,778 workers ang na-mobilize sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan na may P61.17 milyong alokasyon.10 hanggang 20 araw ang kanilang trabaho depende sa pangangailangan ng lugar.

Kabilang sa mga ginagawa ng mga benepisyaryo ang pag-alis ng sagabal sa mga daluyan ng tubig, paglilinis ng debris, rehabilitation, at iba pang disaster response activities.

Bukod sa pagtulong sa komunidad, nabibigyan din sila ng pansamantalang kita habang naaapektuhan ang kabuhayan dahil sa masamang panahon.

Sinabi ng DOLE na ipagpapatuloy ang pag-mobilize ng TUPAD workers sa mga lugar na tinatamaan ng matinding panahon, katuwang ang mga LGU at partner agencies, bilang bahagi ng whole-of-nation approach ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.sa disaster response at recovery. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here