Bulacan – Arestado ang lahat ng Top 10 Provincial Most Wanted Persons (PMWP) sa loob ng apat na araw kabilang ang Top 5 at Top 6 Regional MWP sa manhunt operation ng mga awtoridad sa ibat-ibat lugar sa lalawigang ito.
Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office nitong tanghali ng Setyembre 5, naaresto ang mga Top 10 MWP sa loob lamang ng apat na araw.
Ayon sa ulat, kabilang sa Top 10 MWP ang Top 5 at Top 6 Regional MWP na naaresto sa nasabing operasyon nitong buwan ng Setyembre.
Natunton at naaresto ang mga ito sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap umano ng mga operating units, intelligence personnel, tracker teams, cyber patrollers at Bulacan police investigators.
Nabatid na ang pagkakaaresto sa lahat ng mga wanted at nagpapakita ng kahusayan sa operasyon, koordinasyon at dedikasyon ng mga pulis sa lalawigan upang matiyak na madadala sila sa harap ng korte at mananagot alinsunod sa batas.
Pinuri naman ni PCOL Jay Baybayan ang dedikasyon, propesyonalismo, disiplina at kahandaan ng lahat ng police personnel na naging bahagi ng mga operasyon. Dick Mirasol III