Manila, Philippines – Nagkuwento si Charlie Dizon tungkol sa love story nila ng mister na si Carlo Aquino, sa panayam sa kanya sa podcast na Oh My Gan!.
Nu’ng una pa lang, feel na niya agad na si Carlo ang makakatuluyan niya.
Sabi ni Charlie, “Nu’ng bago pa lang kami sa relationship namin, nasa isip ko na siya, eh. Na alam ko na makakatuluyan ko ’to.
“Kahit gaano kahirap, alam ko makakatuluyan ko ’to. May ganu’ng feeling.
“Feeling ko nga may factor na parang alam kong kaya niya ako alagaan, kaya niya ako i-support.
“Yung lagi din niya sinasabi na parang nasa soul level ‘yung pagkakaintindihan. Iba ‘yun eh. Kahit ‘di kayo magsalita, alam mo yung feelings ng isa’t isa,” patuloy na pahayag ni Charlie.
Bumilib din daw siya kay Carlo sa effort nito na mapalapit sa kanyang pamilya, lalo na sa nanay niya na naninirahan na sa Amerika.
Talagang kinarir ng aktor ang pagpunta sa Sacramento para lamang magpaalam sa family ni Charlie bago mag-propose ng kasal. “Pinuntahan nga niya sa States. Kinausap niya. Tapos nagpaalam talaga siya na magpo-propose siya,” chika pa ng aktres.
“Nu’ng nag-propose nga siya parang natulala ako na magye-yes ba agad ako? Kasi nasa isip ko, ‘Alam kaya ito ng parents ko?’” aniya pa.
Siniguro naman ni Carlo kay Charlie na alam na ng family niya sa US ang gagawin niyang proposal.
“So nu’ng ganu’n, okay, yes. Ganu’n na kaagad.” Rommel Placente