Home METRO Ika-3 pasahero ng SUV nalaglag sa Agana bridge sa Tarlac, natagpuan

Ika-3 pasahero ng SUV nalaglag sa Agana bridge sa Tarlac, natagpuan

1
0

PANGASINAN, Philippines – Natagpuan noong Sabado, Setyembre 5, ang isa sa apat na pasaherong nawawala matapos mahulog ang isang SUV sa gumuhong Agana Bridge anim na araw na ang nakalipas.

Kinilala ang natagpuang si Sheila Mae Tuborlupa, na ikatlong pasaherong nahanap matapos ang insidente. Patuloy namang hinahanap si Harvey Paul Collado, ang huling nawawalang pasahero.

Patuloy ang search and rescue operations sa lupa at mga daluyan ng tubig, habang nagsasagawa rin ng aerial search ang mga awtoridad upang mahanap si Collado.

Kabilang sa nagsasagawa ng paghahanap ang Tarlac PDRRMO at CDRRMO, Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, Armed Forces of the Philippines, Tarlac Police Provincial Office, Tactical Operations Group 3, 3rd Mechanized Infantry Battalion, 522nd Engineer Construction Battalion, 7th Civil Military Operations Battalion, Tarlac POSO, mga MDRRMO ng Capas, Concepcion at Victoria, Tarlac Filipino-Chinese Volunteers Fire Brigade, Deltacom at Pangasinan PDRRMO.

Nanawagan ang City of Tarlac sa publiko na patuloy na ipanalangin ang ligtas na pagkakahanap kay Collado, gayundin ang kaligtasan ng mga rescuers at volunteers na patuloy na nagsasagawa ng operasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here