Home METRO Pagpapatupad ng peace agreement sa BARMM pinabilis ng gobyerno, MILF

Pagpapatupad ng peace agreement sa BARMM pinabilis ng gobyerno, MILF

3
0

COTABATO CITY, Philippines – Pinapalakas ng Government of the Philippines (GPH) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang pagtutulungan upang matapos ang mga natitirang commitment sa kanilang peace agreement habang naghahanda ang Bangsamoro para sa unang parliamentary elections sa Setyembre 14.

Ayon kay GPH Peace Implementing Panel Chair at Presidential Peace Adviser Mel Senen Sarmiento, ipinagpatuloy ng dalawang panig ang substantive engagements sa political at normalization tracks ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Bagama’t isusulong ng Sept. 14 elections ang political track, magpapatuloy ang normalization track kahit matapos ang halalan. Saklaw nito ang security, decommissioning, socioeconomic development, camp transformation at transitional justice.

“Since my appointment as GPH Panel Chair in July, we have actively reached out to our partners in the MILF to demonstrate the national government’s utmost sincerity and commitment to accelerate the implementation of the CAB’s political and normalization Tracks,” ani Sarmiento.

Sinabi rin niyang ipinakita ng MILF leadership ang commitment nitong tuparin ang mga obligasyon sa kasunduan matapos ang kanyang pagpupulong kay MILF Chair Ahod Balawag Ebrahim.

Noong Aug. 4, muling nagsagawa ng formal joint engagement ang GPH at MILF panels at lumagda sa deklarasyong nagpapatibay sa kanilang partnership at pagpapatuloy ng mga natitirang commitment sa CAB.

Mula noon, muling kumilos ang mga joint mechanisms para sa mahahalagang normalization activities. Noong Aug. 31, nilagdaan ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities at Ad Hoc Joint Action Group ang guidelines para sa ceasefire-related functions habang ginaganap ang halalan.

Nagpulong din ang iba pang joint bodies hinggil sa peace and security, small arms and light weapons, international monitoring, suporta sa mga decommissioned combatants at kanilang komunidad, camp transformation at transitional justice.

Nagtatag din ang pamahalaan ng Information Operations Coordinating Center upang subaybayan ang mga kaganapan bago, habang at matapos ang BARMM elections at makatulong na matiyak na ligtas, maayos at kredible ang halalan.

Gayunman, nananatiling malaking hindi pa natatapos na bahagi ng CAB ang normalization track. Nauna nang nagbabala ang Third Party Monitoring Team na hindi dapat ipalagay na malapit nang matapos ang peace process dahil marami pang normalization commitments ang kailangang maisakatuparan.

Ayon kay Sarmiento, ipinapakita ng muling pagtutulungan ng GPH at MILF ang kanilang determinasyong mapanatili ang mga tagumpay ng peace process at tapusin ang kanilang natitirang mga obligasyon sa kasunduan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here