Home METRO Higit P360M kush marijuana, nasabat sa inabandonang yate

Higit P360M kush marijuana, nasabat sa inabandonang yate

1
0

SUBIC BAY FREEPORT ZONE, Philippines – May karagdagan pang higit P204 Milyon halaga ng high grade Kush Marijuana ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang Law Enforcement Agencies sa operasyon nitong biyernes hapon, September 4, 2026 sa isang sira at inabandonang yate sa Subic Yatch Club sa Subic Bay Freeport Zone.

Nasa 109 ng big plastics packs na mistulang mga parcel na naglalaman ng mga suspected High grade Kush Marijuana ang panibagong nakumpiska pa na isiniksik at itinago sa malalim na parte ng Anchor Chain Room ng Yate.

Sa report, umalingasaw umano ang masangsang na amoy,  kaya hinanap ng mga nagbabantay na  tauhan ng Customs at Philippine Coast Guard ang pinagmumulan ng Amoy na natagpuan sa harapang bahagi ng Yate.

Bitbit ang panibagong Mission order mula sa customs, muling hinalughog ng mga awtoridad ang Yate, kung saan nadiskubre at nakakumpiska pa ng 109 piraso ng mga big black packs/bags na naglalaman ng high end kush marijuana na nagkakahalaga ng higit P204 Milyon.

Una ng nakumpiska sa loob ng Yate ang Customs nitong miyerkules, September 2, 2026 ng nasa 89 black Packs ng mga kush marijuana na nagkakahalaga ng higit P162 Milyon.

Kaya sa kabuuan, Hindi bababa sa P366 Milyon ang nasamsam na iligal na droga sa nasabing Yate.

Nitong August 28, 2026 sa kasagsagan ng Habagat, nagpa-rescue umano ang apat na sakay ng Yate na galing ng Kota Kinabalu, Malaysia at nagpakilalang mga Thai at Malaysian Chinese sa mga taga-Subic Yatch Club, matapos masiraan sa laot na malapit sa Subic Bay Freeport Zone.

Nadiskubre ang mga kontrabando makaraang aksidenteng Makita ng mekaniko na gagawa sana sa yate ang mga kahina-hinalang kargamento na agad naipagbigay alam sa Customs.

Agad naglabas ng warrant of seizure and detention si Customs Port of Subic District Collector Atty Geniefelle Lagmay laban sa mga kontrabando.

Nai-turn over ng Customs sa PDEA ang mga nakumpiskang kontrabando.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol dito. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here