Home TOP STORIES Ricky Reyes, Hans Sy nanguna sa ika-24 anibersaryo ng CHILD Haus

Ricky Reyes, Hans Sy nanguna sa ika-24 anibersaryo ng CHILD Haus

47
0

Pinangunahan nina CHILD Haus founder Ricky “Mader” Reyes at Hans Sy, chairman ng Executive Committee ng SM Prime Holdings, ang pagdiriwang ng ika-24 anibersaryo ng CHILD Haus nitong Setyembre 6, 2026 sa Palacio de Maynila sa Maynila.

Tampok sa pagdiriwang ang 24 batang may cancer na kabilang sa mga benepisyaryo ng libreng serbisyo ng Center for Health Improvement and Life Development (CHILD Haus). Ipinakita rin ang isang montage ng kasaysayan ng CHILD Haus, kabilang ang mga larawan ng mga bata mula pagkasanggol hanggang sa kasalukuyan.

Bahagi rin ng programa ang pagtatanghal ng pambansang awitin ng CHILD Haus na inawit ni Jamie Aquino kasama ang mga bata at sinabayan ng Philippine Suzuki Youth Orchestra. Nakiisa rin sa makabuluhang selebrasyon ang mga donor at tagasuporta ng CHILD Haus. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here