Home HOME BANNER STORY 43 patay sa epekto ng Habagat, sunod-sunod na bagyo

43 patay sa epekto ng Habagat, sunod-sunod na bagyo

1
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 43 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pinagsanib na epekto ng Habagat at mga bagyong Luis, Maymay, Neneng at Pilandok.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Setyembre 7, karamihan sa mga naitalang nasawi ay mula sa Benguet dahil sa landslide.

Ang iba pang mga nasawi ay naitala sa La Union, Pangasinan, Zambales, Pampanga, Rizal, Batangas, Quezon, Oriental at Occidental Mindoro, Negros Occidental, at Caloocan.

Mayroon namang 20 indibidwal ang nasaktan sa Ilocos Sur, Benguet, Abra, Quezon City, Rizal, at Cavite dahil sa landslide, tumumbang puno, malakas na current, at vehicular accidents.

Limang indibidwal naman ang iniulat na nawawala sa Quezon City, Manila, Batangas, Rizal, at Pampanga.

Naapektuhan ng masamang panahon ang nasa 10.2 milyong indibidwal o 2.9 milyong pamilya sa National Capital Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, at Western Visayas.

May 62,300 indibidwal o 18,100 pamilya naman ang tumutuloy sa 807 evacuation centers.

Pagdating naman sa pinsala sa imprastruktura at agrikultura ay naitala ang P7,790,000 at P4,130,000,000 pinsala.

Nakapamahagi na ng kabuuang P2.59 bilyong tulong sa mga apektadong pamilya.

Inilagay naman sa state of calamity ang 180 lugar sa Pangasinan, Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales, Tarlac, Rizal, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here